Sa unang araw ng taong dalawang libo at labing siyam, ang aming pamilya at nagpunta ng Calatagan, Batangas. Ito ang unang pagkakataon na ako ay makatungo sa Batangas. Nasa tatlong oras ang inabot ng aming pagbyahe at aking napapansin ang kapaligiran na nagiging mapuno ng paunti-unti. Kakaiba ang pakiramdam ng makarating kami dahil naaala lako ang aming probinsya sa lahat ng aking makita. Nang sumapit ang ika-9 ng umaga, kami ay naghanda upang magtungo sa pinakamalapit na dagat sa lugar. Pinasakay kami sa isang balsa nakawangis ng mga kubong makikitasa isang resort, ito ay hinila ng dalawang bangka upang makarating sa sandbar. Matapos marating ang sandbar, kami ay nagpasyang mag-almusal muna bago magtampisaw sa napakalinaw natubig-dagat. Napakaganda ng tanawin mula sa sandbar, kaming magpipinsan ay hindi nagsasawang kumuha ng mga litrato. Masaya sa pakiramdam na ang aming pamilya ay sama-sama sa unang araw ng taon. Nakakatuwa rin na kami ay nabigyan ng pagkakataon namakapunta s ais...
Posts
Showing posts from January, 2019