Sa
unang araw ng taong dalawang libo at labing siyam, ang aming pamilya at
nagpunta ng Calatagan, Batangas. Ito ang unang pagkakataon na ako ay makatungo sa
Batangas. Nasa tatlong oras ang inabot ng aming pagbyahe at aking napapansin ang
kapaligiran na nagiging mapuno ng paunti-unti. Kakaiba ang pakiramdam ng
makarating kami dahil naaala lako ang aming probinsya sa lahat ng aking makita.
Nang sumapit ang ika-9 ng
umaga, kami ay naghanda upang magtungo sa pinakamalapit na dagat sa lugar.
Pinasakay kami sa isang balsa nakawangis ng mga kubong makikitasa isang resort,
ito ay hinila ng dalawang bangka upang makarating sa sandbar. Matapos marating ang
sandbar, kami ay nagpasyang mag-almusal muna bago magtampisaw sa napakalinaw natubig-dagat.
Napakaganda ng tanawin mula sa sandbar, kaming magpipinsan ay hindi nagsasawang
kumuha ng mga litrato.
Masaya sa pakiramdam na ang aming
pamilya ay sama-sama sa unang araw ng taon. Nakakatuwa rin na kami ay nabigyan
ng pagkakataon namakapunta s aisang magandang lugar tulad ng Calatagan,
Batangas. Hindi ko malilimutan ang pagkakataong ito sa aking buhay. Umaasa akong
mabigyan pa kami ng maraming pagkakataon upang magsama-sama bilang isang buong pamilya.
Comments
Post a Comment